26 April 2013

love and understanding


ako na yata ang pinakaunderstanding na tao sa mundo (please lang wag mo kong taasan ng kilay, syempre biro lang yun). bakit kamo? anim na buwan na ang nakalipas mula nang iniwan ako ng taong inakala kong makakasama ko habang buhay.

punong puno ako ng panghihinayang. mali ba ako? siguro. kaya nga kami naghiwalay eh. 

ayoko nang tapusin ang kwentong ito dahil sa tatlong bagay:

1. dapat ko na syang kalimutan 
2. dapat akong maging masaya sakanya sa kanyang napiling buhay at
3. dapat hanapin ko ang tunay kong kasiyahan

habang ginagawa ko ito, tinig ni Sir Noel Cabangon ang background music ko. simple lang, gusto ko kasing umiyak at namnamin ang sakit na hindi ko dapat iniisip. para lang akong praning dahil naghahanap ako ng dahilan para masaktan at magalit.