17 November 2013

salamat

Dearest,

Before I finally say goodbye to you, I'm not saying that I'm defensive nor not yet over you but you know that you don't have enough courage to see me and so I decided to write a letter.


I would like to thank you for being part of my life, thank you for accepting me in my most craziest thing, in the ugliest side of my attitude and for making me a much better person. Gusto kong malaman mo na isa ka sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko, marami man akong naging pagkukulang sayo, patawarin mo sana ako. 


Salamat sa tatlong taon ng pagmamahal at pagaalaga na binigay mo. Hindi ko inakalang tatagal ng tatlong taon ang away-bati nating relasyon, akala ko nga pang 2 months lang tayo dahil ang OA mo sakin. Hindi ko man laging nasasabi noon pero sobra sobra ang pasasalamat ko kay God nang makilala ka para mahalin ko ng higit pa sa sarili ko. Pasensya ka na kung may mga bagay tayong hindi mapagkasunduan sabi mo nga brave ako--hindi ako natitinag ng kahit anong problema. Brave ako dahil alam kong may isang katulad mo na masasandalan ko pag naging mahina ako. 


Thank you for making me feel that I deserve to be loved not just love but to be well loved. Salamat sa walang sawang pagsundo at paghatid sa school man o sa office, salamat sa napakahaba mong pasensya sa kakulitan ko, sa pagiging moody ko pag "dalaga" ako, sa pagiging matigas ng ulo ko at napakarami pa. Kung may isang bagay akong hindi makakalimutan yun ay ang mahigpit at sincere mong yakap. Salamat sa yakap mong nakakaalis ng pagod at takot, salamat sa napahigpit at napakasarap na yakap mong nagpapaalala na hindi ako nagiisa na may isang katulad mo na hindi ako iiwan o pababayaan kahit anong mangyari, sa biglaang yakap mo na sobrang minahal ko, sa yakap mong nagsasabi na hindi mo ako iiwan. 


Noon, inisip ko--pano na ko? wala ka na, pano na ko? wala na yung taong sobrang mahal ko, pano na ko? wala na kong masasabihan na mahal na mahal na mahal kita.


Salamat sa mga memories na binuo mo kasama ako. Minsan ko ng sinabi sa sarili ko--hinding hindi ko hahayaan mawala ka, hindi ako aalis o mawawala


Paalam na, siguro nga hanggang dito na lang tayo, siguro nga hindi ako ang the one para sayo, siguro nga kailangan mong mawala sa buhay ko para marealize ko ang tama para itama at ang mali para itama.


Salamat.


-

Me

Serenity

Dear God,

All I want to have is a stable life, a simple yet happy family and a partner that will love me and stay with me endlessly. Now, I'm on a state of life that is so confusing. Remember the last time I talked to you? I cried. I cried because I feel so ashamed because somehow, I forgot you.

God, I'm not in a hurry but please let me see the person who will be with me on the next chapter of my life. Somethings bothering me, does he still love me? does he still remember me? I want to talk to him, maybe I just need to hear that everything is over. Then maybe I would stop. But I need to stop. Stop. Stop. Slowly.

I have to move slowly. Continuously chasing him is not helpful. I should stop doing this, I need to focus on what life bring in. 

God please let me find my own happiness. I'll wait 'til the right time comes.