"Itatago ko ang aking kaba at ikukubli ang pangangamba ngunit sa dilim ay napapansin mo ang takot ko..." tungkol saan nga ba ang linyang ito ni Cookie Chua? Ang alam ko lang Kinompose ito ni Gary Granada, bata pa lang ako naririnig ko na ang kantang ito dahil na rin sa hilig ng mga kapatid ko makinig sa mga awit ni Gary Granada kaya natutunan ka na din yakapin ng awitin niya. Pero may isang kanta na labis tumatak sa puso ko, Paano Mahalin Ang Katulad Mo, nang una kong mapakinggan ang kantang ito napaka layo agad ng nilakbay ng isip ko. Napaka lalim, puno ng kahulugan, puno ng takot at puno ng pag-aalala ang kantang ito. Tunay ngang napaka raming kahulugan ng pagmamahal, hindi sapat ang salita upang mabigyan ng tamang paliwanag. Tila para akong nasa lumang panahon, sinasaksihan ang sakit, takot at labis na pag-aalala ng isang babae habang ikinukubli ang kanyang takot sa pag-aalala sa kanyang sinisinta. Tiyak ako, napakasarap magmahal lalo na't ibinabalik ito sa'yo.Sa panahong ang mga kababaihan ay agresibo, tiyak ako may mga iilan na nariyan na patuloy na nasasaktan at nahihirapan alam kong ang nais lamang nila ay mahanap ang taong nakalaan para sakanila upang makakatuwang sa habang buhay-- na ang tanging hiling ay makilala ang tunay na mamahalin at magmamahal ng tapat at walang sinusukat na panahon. Kaya ikaw, huwag kang matakot hanapin ang kasagutan sa tanong na "Paano Mahalin ang Katulad Mo".
No comments:
Post a Comment
Hi there lovelies I would love to hear your thoughts so feel free to leave one as well as your blog sites so I too can pay you a visit. Good vibes and a gazillion gratitude for reading. :)