05 December 2011

Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan

       "Huwag mong bibigkasin ang hindi" 

                                          Nabasa mo na ba ang pang walong libro ni Bob Ong? 

Kung hindi pa simulan mo ng umalis sa page na 'to dahil maiinis ka lang dahil kinikwento ko na (pero hindi naman lahat..syempre susulitin mo dapat ang gagastusin mong P150 hehe). Nitong mga nakaraang araw dumaan ako sa bookstore at saka ko lang nalaman na may bago palang libro si Bob Ong. Siguro delayed talaga ko sa mga latest news dahil sa pagiging busy ko, nung sinilip ko-- binasa ko hanggang sa inabot ako ng page 20 at nasita ni manong guard na bawa daw ang private reading..(yabang naman!). Nung Sabado tuluyan ko na siyang binili at sinumulang basahin. Sa una nagtaka ko sa "packaging" kumbaga kasi may batang nakasilip sa likod. Nang simulan ko itong basahin nagulat ako sa format dahil para lang siyang diary ng kung sinoman--hanggang sa napatunayan kong journal pala ito ng isang College student na si "Galo" na nakikitira sa Tiya Auring nya na asawa ni Tiyo Dindo na may apat na anak sina: Jeng (na kung umiyak eh parang kinakatay na baboy), Si Ariel (na walang ginawa kundi ang magtelebabad), Si Sheryl (na unang nakabasa ng journal at sya ring nakasira ng gitara ni Galo) at si Julius (ang nakabutas ng gulong ng bike). Galing sa broken family ika nga si Galo kung kani-kaninong kamag-anak na rin sya napadpad at isinisisi nya sa bulok nyang pamilya ang sitwasyon nya ngayon. Ang kanyang Lola ni si Mama Susan na taga Tarmanes na hindi ko parin alam kung sang lupalop ng Pilipinas 'un (kinunsulta ko na rin si Google para malaman kung saan pero hindi ko makita). Si Mama Susan ang dating teacher na collector ng Reader's Digest-turned-religious leader. Sa kwento nila mag-lola umikot ang  buong istorya, tulad din ng ibang pelikulang napapanood sa TV at sinehan dapat kumpleto ang casting-- Sina Niko at Jezel, kasa-kasama ni Galo sa kanyang adventure ang dalawang batang ito. Matagal din ang inilagi ni Galo sa bahay ng kanyang Mama Susan- at sa pansamantalang pamamalagi nito sa bahay unti-unti ay may natutuklasan syang tila kakaiba sa kanyang Lola (at yun ang dapat mong alamin kaya..bili na!) Ang librong ito ay isang open ended, ibig sabihin ikaw ang bahalang mag-isip kung ano ang ending ng istorya may mga tanong ako kay Bob Ong (bilang friend ko naman sya sa Google+ pero nahihiya ako) tulad ng:

1. Anong nangyari sa dalawang bata?
2. Anong ibig sabihin ng mga Latin word na isunulat nya?
3. Tuluyan bang namatay si Galo?
4. Si Niko ba 'yung batang nasa likod ng libro?

Sa takot ko pinili ko talagang hindi basahin ang mga Latin word na nakasulat pati ung ending hindi ko pinalagpas na wag basahin. Ikaw ba naman mabasa mo " Nararamdaman mo na ba ang higpit ng yakap sa iyo ng isang kaibigan?!". Kaya kung gusto mo din matakot at mahiwagaan sa buhay ni Galo. Basahin mo ang libro at ikumpara ang iniisip ko sa maiisip mo :)  



No comments:

Post a Comment

Hi there lovelies I would love to hear your thoughts so feel free to leave one as well as your blog sites so I too can pay you a visit. Good vibes and a gazillion gratitude for reading. :)