06 February 2012

mangarap ka-- tuparin mo!

"One's destination is never a place, 
but new way of seeing things." - Henry Miller


sobra na yata akong obsess sa pagta-travel. feeling ko kasi sayang ang bawat panahon na lumilipas kung hindi ako kikilos at pupunta sa isang lugar na alam kong babago ng pagkatao ko. sabi nga sa 18 rules of living ni dalai lama once a year (or should i say as often as possible) go to someplace you've never been before. napaka daming lugar ang gusto kong puntahan (gumawa ako ng maikling listahan)


1. batanes
2. thailand
3. malaysia
4. cambodia
5. vigan
6. bohol
7. camiguin


gusto ng puso ko pumunta, gusto ng isip ko at gusto ng paa ko pumunta sa mga lugar na ito. gusto kong malaman kung ano ang natural nyang ganda. gusto ko syang makilala. gusto kong maging bahagi ng lugar na mapupuntahan ko. bago ako tumanda, malagas ang ngipin, pumuti ang buhok, kumulubot ang balat, maging kuba, at tuluyang malimot ang ala-ala bilang bata nais kong masabi sa sarili ko na "galing ako diyan". kaya habang kaya mo, gawin mo- puntahan mo. at tuklasin mo.  :) 

No comments:

Post a Comment

Hi there lovelies I would love to hear your thoughts so feel free to leave one as well as your blog sites so I too can pay you a visit. Good vibes and a gazillion gratitude for reading. :)